Bago nauso ang SMS noong late 90's, sumikat muna ng husto ang paggamit ng device na Pager (kilala rin bilang Beeper) noong mga unang bahagi ng dekada (sa Pilipinas ay mga mid-90's na ito nag-boom). Kaiba sa texting sa cellphone na ikaw mismo ang magko-compose ng message, ang pagpapaabot ng mensahe sa gadget na ito ay sa pamamagitan ng telephone operator ng kumpanya kung saan ka nag-subscribe ng iyong pager (Dito sa Pilipinas ay kilala ang mga kumpanyang Pocketbell, Easycall, Jaspage, Powerpage atbp). Kung ikaw ay magpapaabot ng mensahe sa iyong kakilala ay tatawag ka sa telepono ng kumpanya kung saan nakasubscribe ang pager ng pagbibigyan mo ng mensahe. Kapag sinagot na ng telephone operator ang iyong tawag, ididikta mo ang iyong mensahe sa pagdadalhan nito. Bawal gumamit ng malalaswang salita sa pagpapadala ng message. Ang telephone operator na ang bahalang mag-forward ng message mo sa paging device ng taong pinadalhan mo. Medyo maabala lang dahil hahanap ka pa ng telepono para maibigay ang iyong message sa usto mong padalhan nito. Sa pagsulpot ng mga GSM Mobile Phones noong dekada ring iyon ay unti-unti nang nawala ang paggamit ng pager.
Nuffnang Ads
Showing posts with label 90'S. Show all posts
Showing posts with label 90'S. Show all posts
Friday, July 10, 2015
WELCOME TO BASTA DEKADA NOBENTA, HATAW!
Hello Everyone! If you miss the 1990's at hindi ka pa maka-move on sa paglipas ng dekadang 'yun, this is for you! Wala kang makikita dito kundi 1990's, 1990's at 1990's lamang! Kung naranasan mo ang masaya, makulay, bagamat marami ring pagsubok na dekada nobenta, you'll agree with me: THAT WAS THE BEST DECADE EVER!
Starting today, I will be posting some trivia, kung anong mga news noon, mga usong damit, mga hit songd etc. As I've said, this is all about the 1990's!
Subscribe to:
Posts (Atom)