Usong uso ngayon ang mga Pinoy expressions na "Push Mo 'yan!", "...'Pag may time!" at lalo na ang "Eh 'Di Wow!".
Pero noong Dekada '90, marami ring expressions ang nauso katulad ng "Ano ba yaaan?!" noong early 90's. Ginawa pa ngang title ng isang pelikula noong 1992 ang expression na ito. Naging bukambibig din noon ang mga salitang "Oveeer!" "Tsuk Tsak Tienes!" na maaaring nagsimula as gay lingo.
Naging bukambibig din ang salitang "Hataaaw!" na ginamit ding titulo ng pelikula na bida si Gary V. at Miss Ubiverse '93 Dayanara Torres.

Nawala man sa ngayon ang mga ganyang naging bulaklak ng dila noon ay napapalitan naman ito ng iba sa pagdating ng 2000's. Ang impluwensiya ng telebisyon at artista ang isa sa mga pinagmumulan nito.
Ang Pinoy nga naman, kung anuano ang mga naiisip. Maaaring para sa iba ay nakakainis, pero nakakaaliw naman para sa mas marami. Ano ba yaaaan?!!!!
No comments:
Post a Comment